Quickie for Food
Mga kwento ni Mareng.
23.01.2008

Sa una, hindi ko alam kung paano atashi magre-react. Nalaman kong may nag-ayang makipag-quickie sa asawa ko. Tuwang-tuwa si Poochie Gumamela habang binabalita niya saken 'yon. Pero sabi ko, bakit sa toot-toot ng ina mo ako matutuwa aber? Ngunit, datapwa't, subalit, di ko agad pinakitang galit ako. Hinayaan ko munang magkwenta ang asawa kez. Mukhang enjoy na enjoy naman ang asawa ko habang nagkwekwento. Eto daw ang nangyari...
Habang nakatayo sa labas ng opisina ang asawa key, may stranger daw na tumitingin sa kanya at ngumiti. Itong asawa ko naman, ay nginitian ang toot-toot ng ina niyang stranger. So, sabi ng stranger, "Lunch mo? Gusto mo sumama?" "San?" Sagot naman agad ng asawa kez.
Sabi ko sa isip ko... "Ah... Ganun?"
Sagot ng stranger, "Sa bahay, quickie tayo." Wala nang sabi sabi pa, umalis ang asawa ko at pumasok na ulet sa opisina.
Sabi ko sa isip ko... "Mabuti naman. Hmp!"
Pero, ito ang pinakabest part at pinakakinakikiligan ni Poochie Gumamela, sabi ng asawa kez, ang akala daw daw niya ay yayayain siyang kumain sa KFC at ililibre siya. I-ta-take out daw niya ang sa kanya at ibibigay saken para sa lunch ko.
Sabi ko sa isip ko... "Aayyy..."
At ito pa, nang nalaman niyang quickie pala ang habol ang toot-toot ng ina niyang stranger na pervert na yon, naguilty siya.
Sabi ko sa isip ko... "Mabuti naman. Tseh! Kinekeme mo atashi... Hihihi!"
Sabi daw ng asawa ko sa isip niya, "Nagkasala ba ako sa Baby ko?" And he uttered, "Sorry Baby."
Ayyy... Wink! Wink!

Posted by parteeboi 10:59 PM Archived in Gay Travel








ang sweet sweet!
23.01.2008 by callboi