Pag-ibig: Bwisit
Don't tell me I didn't warn you! (Talking to myself.)
15.12.2008

Hay naku. Bakit sobrang apektado ako sa lahat ng ginagawa ni Guy 1. Hindi naman ako ganito dati e. Kahit ano, go lang. Kung ayaw niya, sige… Kung gusto niya ng ganito… sige… Kung ayaw ko, ayaw ko, wala akong pakialam. Siya, lahat may ibig sabihin. Ngayon kaya, anong may ibig sabihin para sa kanya sa mga ginagawa ko? Hindi ko na mafigure out. Oo, sabi niya mahal niya ako. Huwag daw akong mag-alala. Ok. Pero hindi e, araw-araw nalang akong ganito. Parang sira, praning, sobrang praning. Sabi ko sa sarili ko, I shouldn’t care much. Kung anong meron go lang, and explore. Marami nama diyang ready na magbigay sa akin ng atensyon. Pero I can’t fucking help it. Gusto ko siya, siya, siya. Siya nalang parati kong iniisip. Unfair, unfair talaga. Iniisip niya ba ako ng madalas? Naiintindihan niya ba kung gaano kahirap ‘tong nararamdaman ko? Or, does he even know na nahihirapan ako?
Napaka-insecure ko. I should be secure about myself. It is one thing I am looking for a partner. Yong tipong, kahit anong sitwasyon, he knows that I am just around, and I will not wander around. Bakit di ko na kayang gawin yon? Well, siguro kaya ko naman, kaya lang bakit nahihirapan na akong magcare less? Why the hell I care a fucking lot?
Bwisit. Lintik talaga yang pag-ibig na yan. Bwisit. Bakit di nalang ako gawing masaya? Ang daming beses ko nang nasaktan. P ng I di mo na ba ako tatantanan? Ano pa bang kailangan kong matutunan? Pakshet lang talaga. Bwisit.

Posted by parteeboi 5:15 PM Archived in Gay Travel







